5 Reasons Bakit May mga Taong Ayaw sa MLM Business Mo


In our industry, normal lang na madalas irereject ng tao ang mlm opportunity mo. Most of the time sila pa yung mga kaclose mo and even family members.Pero bakit nga ba? Ishashare ko sa inyo ang 5 common fears ng tao kung bakit ayaw nila sa opportunity mo.

1.FEAR OF FAILURE

Alam mo ba na 97% of networkers FAILs in the mlm industry? At lalo na sa Pilipinas hindi maganda ang networking sa pandinig ng tao. So the thing is takot ang mga yan magfail. The ironic thing is the fact na hindi nila trny, eh nagfail nadin sila. Akala nila playing safe padin sila dahil hindi nila TRINY ang opportunity mo.

2.FEAR OF REJECTION

Alam mo naman siguro ang feeling ng mareject? Masakit diba? So you must understand unlike you, who has a strong logical reason para ipursue ang opportunity mo at may right mindset para hindi maapektuhan sa rejection, ibang tao naman ay umiiwas nlang para hindi na masaktan. Wala tayong magagawa mas malakas ang fear of loss kaysa sa gain na pwede nilang makuha.

3.FEAR OF INADEQUACY

Feeling nila hindi sila magaling. Madalas ang may fear ng ganito mahina ang self-confidence.

4. FEAR OF UNWORTHINEESS

Parang sa fear of inadequacy. Wala silang tiwala sa sarili. Feeling nila na IMPOSIBLE mangyari sa kanila ang mga to. Sometimes too much Humility can also be destructive para sa sarili. Lahat naman kasi ng sobra masama.

5. FEAR OF FURTHER COMMITMENT

Lets say na open na sila sa mlm business opportunity mo. Pero dahil sa narealize din nila na hindi madali ang pagdadaanan, then with the fear of unworthiness at low self-confidence. Hindi na sila nagdecide sumali. Natakot natakot natakot.

So let's not argue or debate with them. Intindihin nalang natin sila. After all networking business is prospecting business. Shinashare mo lang din sa lahat para at least hindi tayo nagkulang at hindi tayo masasabihan na "Bakit hindi mo sinabi sakin yan dati?"

Your Unstoppable Friend and Teamate
Gabz Valderrama